Posted by: fonzick | August 11, 2009

Aling Dionisia vs. Lola Fashionista

Image and video hosting by TinyPic

Dyan C. : Ma’am Diony, ano pong masasabi nyo kay Lola Fashionista?
Dionisia: Hay naku Dyan, isa syang impostura. Ginagaya nya ang pagsusuot ko. Look at me now, ang sosyal ko na debah? Buti pa ako, nakatuntong sa Amireka. Eh sya, walang asenso. Ang masasabi ko lang sa kanya, U’re nothing but a second-rated trying-hard coffeecat!.

Image and video hosting by TinyPic

Lola Fashionista: Eh ano ngayun? Mas maganda naman ako sayo. Hindi bagay sayo ang sosyal. Mahiya ka naman sa sarili mo. Gusto mo suntukan tayo?

Image and video hosting by TinyPic

Dionesia: Ay, hindi kita aatrasan. Kahit sa dance floor pa tayo mag-shoodown. O, kaya mo to?!

reblogged from
Ming Meows

Posted by: fonzick | July 30, 2009

Wag Mong Basahin, Walang Kwenta Toh

Napakadaling sabihin na, “Sige, tapos na sa atin ang lahat.” kasi buong akala mo ay kakayanin mong mag-isa, akala mo keri lang kahit wala na sha.

Buong akala ko magiging okay lang ang lahat. kasi naisip ko wala naman syang ginawa kundi magpazaway, gumawa ng kalokohan, at manggulo. Kaya sabi ko, ayoko na nga. Pagod na me.

Kaya ayun. Naghiwalay nga kami.
Akala ko yun na yun. Naku hindi pa pala.
Na-praning ako sa sobrang lungkot.
Kasi na-realize ko indi pala ako sanay mag-isa.
Hindi ko pala kayang lunukin yun kanin mag-isa :D . Takot pala ako matulog mag-isa. Di pala ako pwedeng tumawa mag-isa.

Iyak ako ng iyak. Ang korni. Pero infairness, ang sakit nun ha. Lagi sumasakit ulo ko sa kaiisip sa kanya. Tapos sumasakit din sikmura ko, wala ako gana kumain. kaasar. Tapos gusto kong matulog ng matulog para makalimot. Indi naman ako makatulog.
Namaos lang ako sa kakaiyak.

– — – — – — –

Tapos….
Nagmuni-muni ako.
Pwede bang mag-back out?
I mean, pwede ko bang bawiin yon sinabi ko?
Pwede bang kami na ulet?

Pwede!

Eh, ang nangari…
hulaan nyo. pagod ang utak ko ngayon.
Tamad na ko magpatuloy, pasensya na..

Posted by: fonzick | June 10, 2009

Umepal ang Influenza A virus subtype H1N1

Hindi ko namalayan, June na pala. Ganito pala pag hindi ka na nag-aaral. Di mo pansin na nalelerkey na yong mga estudyante sa paghahanda sa pagbubukas ng klase. Oo, handa na silang harapin ang mga bagong classmates, bagong subjects, bagong terror teachers/instructors at handa na rin silang harapin ang kumakalat na A(H1N1) hahaha!
Natotorete na ako sa A(H1N1) na yan. Sa tv news, sa newspapers, sa plurk, sa blogs. Katunayan, ito rin ang pinag-uusapan natin dito.

Naalala ko nung kumalat yon SARS. Nakikita ko sa tv may kanya-kanyang maskara ang mga tao. Sa airport, sa ospital sa paaralan..kahit saan. Para sa karamihan ito’y para maiwasang malanghap nila ang virus na sanhi ng SARS. Pero sa iba sumusuot lamang ng maskara para itago ang katotohanang sila’y bungi o walang ngipin sa harap. Okray!

Hindi ko ramdam ang paglaganap ng SARS dati kasi nasa probinsya kami. Para sa amin, isa lang itong biro. Ngayon na nasa Maynila kami, hanu itong A(H1N1)?
Marami na daw cases neto sa mga ospital. Ito na ba ang latest fashion ngayon? A(H1N1) na naman? Fashion? Sinusuot ba itoh? Hinde! Yon maskara..sinusuot! hahaha!

Dahil sa pagkalat netong A(H1N1) flu virus sinuspende ang pagbubukas ng klase sa ibang paaralan. Kasi there are students infected by this flu virus. May tatlo sa Ateneo, meron din sa LaSalle. Di ko alam ang bilang. Pero okay lang yan, mayayaman naman sila eh. Wag lang sana ma-infect yon mga dukhang nilalang katulad namin, weh! Epal ng virus na itetch! Imbyerna akoo.

Hoy teka! May nabasa ako, sabi sa wikipedia: Some strains of H1N1 are endemic in humans, including the strain(s) responsible for the 1918 flu pandemic which killed 50-100 million people worldwide.
Hayan, copy-paste lang yan, di ko kasi ma-translate sa tagalog. Dumudugo utak ko haha!
Teka teka, 50-100 million katao ang natsugi ng flu virus na itetch. Hala! di itoh biro ha (panic). Nakaka-scare naman. Makalayas na nga sa Maynila. Makauwe na nga sa probinsya hahaha!

Posted by: fonzick | May 28, 2009

Binuhusan Ng Tubig Si Hayden Kho Sa Senado

May puntong naawa ako kay Hayden Kho. Oo nga, nagkamali sya. Marami syang taong naagrabyado dahil sa mga sex videos na kagagawan nya. Marami syang napahiya sa madlang people. Pero hindi naman yata makatao yon buhusan mo sya ng tubig sa loob ng senado. Sabihin na naten na isa syang kriminal, pero hindi pa rin appropriate na gawin ang bagay na yon sa kanya. Hindi ko sya ipinagtatanggol. Pero ng makita ko ang video sa youtube, naawa ako sa kanya. Wala syang nagawa. Wala syang reaksyon. Pati si Katrina ay biglang nag-panic ng masilayan ang nangyari.
Ang eksenang yon kanina ay isang media feeding frenzy na naman. Meron na naman pag-uusapan ang madla.
Pero in fairness naawa talaga ako kay Hayden, pramis.
Sabi nya hindi nya talaga alam ang tunay na dahilan kung bakit nya ginagawa ang mga bagay na yon– yon pagkukuha ng video sa kanyang pakikipagtalik. Ayon sa kanya marahil ito’y epekto rin ng kanyang childhood experiences at mga pangyayaring naganap noon sya’y musmos pa lamang. Inamin din nya na sya ay nag-undergo ng psychotherapy.

Kanina parang basang sisiw si Hayden. Pampam talaga yon bumuhos ng tubig sa kanya. Sarap boogiehin, etchoz! Kasi po meron naman po tayong due process. No need na po to do such inappropriate things. Bahala na ang batas na magsentensya sa may kasalanan.

Yon lang!

Posted by: fonzick | May 22, 2009

Ang Epekto ng Kamanyakan ni Hayden Kho

Kakagulat lang pag nakikita ko yong aking blog stats. In just a few hour biglang lumundag sa 1,800 views ang recent post ko. Sobrang busy ang traffic sa aking blog… siksikan haha! Iisa lang naman ang dahilan neto. Nang dahil sa mga articles ko na related sa mga iskandalo ni Dr. Hayden Kho o Dr. Hidden Kho-mera o Dr. Hayden Kho-pal. Hindi naman sa sobrang naiinis ako sa lalaking itoh. Nababastusan lang ako sa mga pinanggagawa nya sa mga kababaihang kanyang naitalik. Hindi ko rin maarok ang tunay na dahilan kung bakit naglalagay sya ng hidden camera sa kanyang closet para kunan ng video ang kanyang pakikipagtalik sa mga kababaihang taga-showbiz din. Isa ba itong simula ng kanyang pamba-blackmail kay Dra. Vicky Belo? Ang ibig kong sabihin ay, kahit na anong oras na gusto nyang bumalik si vicky sa kanya pwede nyang gamitin ang ganitong paraan. Kunyari meron silang sex video ni Vicky at ipapalabas nya ito kung hindi papayag si Vicky na mag-reconcile silang dalawa. Maraming haka-haka at opinyon tungkol dito. Halos lahat ng blogs ay ang isyong ito ang pinag-uusapan. Pati nga rin sa mga blogs ko ay itong topic na rin ang nasa recent post ko.

Nangangahulugan lamang ba ito na ang mga Pilipino ay masyadong tsismosa’t tsismoso? Oh di naman kaya ay sa sobrang kyuryusidad, gusto lang nila mapanood ang mga sex videos ng doktor? Parang usual na itoh na nangyayari. Kapag may celebrity na nasasangkot sa isang sex scandal siguradong pag-uusapan talaga itoh ng dakilang madla. As in malaking isyu itoh para sa kanila. Kasi ito isang pangyayaring kahiya-hiya. Mahilig ang Pinoy sa mocking.

May mga pulitiko na nakikisawsaw sa isyung ito. Isa na rito si Sen. Bong Revilla. Nakakatawang isipin na dati-rati’y wala namang pulitikong nangingialam sa mga ganitong isyu. Dahil lamang ba sa dahilang malapit na ang eleksyon at ang mga pulitikong itoh ay nagsisimula nang umepal sa dakilang madla? Well, goodluck naman sa kanila. Sana ay magkakaroon naman ng magandang resulta ang advocacy ni Sen. Bong Revilla. Agree din naman ako sa kanya, manyak nga itong si Hayden Kho.. as in perversion to the highest extent nga. Haist, sayang titulado pa naman at may amukz din.

Eto na yong kawing sa tatlong videos na iyon:
Hayden Kho-Katrina Halili
Hayden Kho-Brazilian Model
Hayden Kho-Maricar Reyes Part 2

Mga Hangong Kwento:

Hayden Kho and His Girls

Older Posts »

Categories